Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7-Eleven isasara ilang branch

0 479

Dahil sa epekto ng lockdown dulot ng coronavirus pandemic, inanunsyo ng 7-Eleven na isasara nito ang ilang branch na hindi na kumikita para makatipid sa renta.

Sinulatan ni Ulysess Borral, head of 7-Eleven’s business development, ang ilan sa mga may ari ng lupa kung saan nakatayo ang mga apektadong branch. Aniya, “We regret to inform you that we will be withholding the rent due on Monday, July 6, for those non-viable stores (and there are many) until we are able to come to a mutually agreeable arrangement that allow our business relationship to continue.”

Dagdag ng kompanya, inaasahan na nila na hindi madadagdagan ang kanilang kita hanggang katapusan ng taon dahil sa pagtagal pa ng community quarantine at posibleng mas bumaba pa kung lalala ang ekomoniya

Giit ng 7-Eleven, buo ang kanilang binayad na renta noong panahon ng enhanced community quarantine kabilang ang 600 shop na sarado noong Abril at 300 sinara ding shop noong Mayo.

Nakiusap pa ang kompanya sa mga landlord ng mga bukas pang branch na tumulong sa kanilang renta dahil kahit may kinikita umano ang mga ito sa ngayon posible namang dumating ang pagkakataon na bumaba ang sales nito.

Noong Marso, may 2,916 branch ang 7-Eleven sa bansa, habang 2,212 sa Luzon, sa bilang na ito 1,017 ang nasa Metro Manila; habang 423 naman sa Visayas; at 281 sa Mindanao. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.