Abante Tonite Interactive

7 gold binanatan ng arnis

198

Nagwagi ang Pilipinas ng pito sa walong gold medal sa arnis competitions ng PH 30th Southeast Asian Games 2019 Lunes sa Angeles University Foundation sa Pampanga.

Tapos sumungkit ng limang medalyang gintong medalya sa unang araw ng kompetisyon ang Pinoy arnisador, nadagdagan ito ng 12 nang humakot ito ng pito sa penultimate day ng competitions.

Ang Filipino winners sa padded stick category ay sina Elmer Manlapas sa feather­weight division, Carloyd Tejada sa welterweight at Jesfer Huguire sa bantamweight.

Pinitik ni Manlapas si Nguyen Duc tri ng Vietnam, kinaldag naman ni Carloyd Tejada si Mouen Bunly ng Cambodia habang tinalbos ni Jesfer Huquire si Van Cong Quoc ng Vietnam.

Nakuntento si Billy Joel Valenzuela ng Pilipinas sa silver medal matapos mabigo kay Yong Mengly ng Cambodia. (Elech Dawa)