Abante Tonite Interactive

7 iniimbestigahan sa Bulacan massacre

By
30

Pitong lalaki na pawang “persons of interest” (POI) ang isinalang sa imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng nangyaring pagmasaker sa isang buong pamilya sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Hindi inaalis ang posibilidad na dalawa sa mga hawak ngayon ng Special Investigation Task Group (SITG) ng Bulacan PNP at San Jose del Monte City police ay may kinalaman sa nasabing pagmasaker sa lima-kataong kinabi­bilangan ng tatlong magkakapatid na paslit sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Barangay Sto. Cristo sa nasabing lungsod, kamakalawa.

Bagama’t matindi ang pag-iingat sa pagpapalabas ng detalye at impormasyon ng tanggapan ni P/Supt. Fitz Macariola, San Jose del Monte City police chief, dalawa ang kumpirmadong suspek sa brutal na pamamaslang sa biktimang sina Auring Dizon, 58, kanyang anak na si Estrella, 35, at anak nitong 11-anyos na batang lalaki, 7-anyos na batang babae at isang taong gulang na bunsong anak na lalaki.

Ang dalawang suspek sa pagmasaker sa pamil­ya ni Dexter Carlos, security guard sa Makati City ang posibleng tinutukoy nito na nag-iigib ng nakahubad sa kanilang bahay at may matin­din­g pagnanasa sa kanyang misis na si Estrell­a na natagpuang walang saplot sa katawan, ni-reyp at nagtamo ng 45 saksak.

Gayon pa man, hindi pa rin ibinubunyag ang pangalan ng mga suspek sa masaker, ngunit isa sa mga ito ay kinuhanan ng Bulacan SOCO team ng pang-ibabang saplot para sa eksaminasyon kaya lumulutang ang anggulong kabilang ito sa POI na hawak ng awtoridad bagama’t nawawawal­a pa din ang 2 kitchen knife na murder weapon na pag-aari ng mga biktimang nasawi.

Lumilitaw din ang anggulo na rape ang motibo ng pamamaslang at pagmasaker dahil nakilal­a ng mga biktima ang mga suspek na bumibili at umiigib ng tubig sa kanilaat kapit-bahay lamang kaya nagtugma din ang hinala ng padre de pa­milyang si Carlos na ang tinutukoy nitong malii­t na lalaki ang suspek sa karumal-dumal na krimen.