Abante Tonite Interactive

7 kabataang holdaper sa QC, nasakote

By
299

Pitong kabataang lala­ki na mga miyembro diumano ng tinaguriang ‘Dublon robbery holdup group’ ang nasakote ng Quezon City Police District (QCPD) matapos holdapin ang isang babae kahapon ng mada­ling-araw.

Tatlo sa mga suspek ang kinilala ni QCPD director Chief Supt. Joselito Esquivel na sina Joseph Dublon, 24-anyos, lider umano ng grupo; Jil dela Cruz, 18; Bryant Pia, 18; at apat na menor de edad pa na nasa 15 hanggang 17-taong gulang.

Sa ulat ng QCPD-Masambong Police Station 2, dakong alas-tres ng madaling-araw nang maaresto ang mga suspek sa Road 8, Project 6, Quezon City, batay sa reklamo ng biktimang si Jamila Mayuga, 21-anyos.

Batay sa salaysay ni Mayuga, tinutukan siya ng patalim at hinoldap ng mga suspek at tina­ngay ang kanyang OPPO F5 na nagkakahalaga ng P18,000.

Agad nakapagsumbong si Mayuga sa pinakamalapit na presinto ng pulisya kaya nasakote ang mga suspek sa follow-up operation.
Ayon kay PO1 Jeanbert Malang, may hawak ng kaso, sangkot diumano ang mga suspek sa mga insidente ng robbery holdup sa mga lugar ng Bagong Pag-asa, Vasra at Project 6 sa Quezon City.

Nakakulong na sila ngayon sa Masambong Police Station 2 at iniha­handa na ang kasong robbery holdup na isasampa laban sa kanila.