Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 kada 10 bebot biktima ng mga manyak online

0 261

May 68% o katumbas ng pito sa 10 kababaihan sa bansa ang nakararanas ng online harassment, partikular sa social media.

Sa pag-aaral ng humanitarian organization na Plan International Philippines, lumitaw na 50% sa mga batang babae ang nakaranas ng pangmomolestiya at 33% naman ang minsan lang na nakaranas nito.

Sinabi naman ng walo sa 10 Pinoy na may kilala silang mga kababaihan na nakatatanggap ng sexual harassment sa social media.

SM food to go Banner Ad

Nakagugulat din umano na 67% ng mga nangmomolestya sa mga bebot ay kilala ng mga ito.

Tinukoy din ng Plan International Philippines na karaniwang nabibilang sa mga grupong LGBTIQ (gay, bisexual, transgender, intersex, and questioning) at mga babaeng may kapansanan ang target ng online violence.

Isinagawa ang pag-aaral sa 31 bansa, kabilang ang Pilipinas at nilahukan ito ng mga babaeng may edad 15 hanggang 24 na gumagamit ng Facebook, Twitter, Instagram, Tik Tok, Snapchat, WhatsApp, WeChat, YouTube at Line. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.