Abante Tonite Interactive

7 maglalaban sa 4-man Athletes Commission

267

Pitong beteranong national athlete ang nagpahayag ng kanilang mga kandidatura para sa apat katao na Philippine Olympic Committee (POC) Athletes Commission elections sa Enero 11 ng alas-3:00 nang hapon sa Fencing Hall ng PhilSports Complex, Pasig.

Sila ay sina 2016 Rio de janeiro Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, two-time SEA Games triathlon champion Nikko Bryan Huelgas at former PH Blu Girls softball team captain Cheska Altomonte.

Hangad ng tatlo ang panibagong apat na taong termino para mapabilang din sa POC Executive Board.

Ang ikaapat na puwesto ay na kay Henry Dagmil na kabilang na sa mga coach.

Asam din naman ang apat na silya nina swimmer Jessie Khing Lacuna, taekwondo jin Samuel Morrisson, boxer Eumir Felix Marcial at Phi­lippine Rugby Football Union General Manager Jake Letts.(Lito Oredo)