Abante Tonite Interactive

7 mangingisda 1 linggo nang nawawala

106

Pitong mangingisda na halos isang linggo nang nawawala ang patuloy na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard-Pangasi­nan (PCG-Pang) sa Barangay Hermosa, Dasol, Pangasinan.

Ayon sa PCG-Pang, napaulat na nawawala ang mga mangingisdang lulan ng FB Narem 2 sa karagatang sakop ng nasabing barangay nitong Enero 14 matapos mabigong makarating sa Infanta, Pangasinan.

Kinilala ng PCG-Pang ang mga nawawalang crew na sina Roderick Montemayor, Homar Maglantay, Ejay Dela Cruz, Jerome Maglantay, Larry Legaspi at Jefferson Bernabe, kabilang din ang ‘kapitan’ ng motor banca na si Alberto Roldan.

Sa report, ayon na rin sa may-ari ng bangka na si Christine Macaraig, bago nawala ang mga mangingisda ay nakausap pa ang FB Narem 2 sa pamamagitan ng radio communication bandang alas-2:30 ng hapon noong Enero 13.

Dito’y nalaman ni Macaraig na nakaranas ang mga crew ng malalaking alon na may 13 talampakan ang taas.(Allan Bergonia)