Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 mangingisdang Vietnamese hinuli ng Navy

0 414

Arestado ng Philippine Navy ang pitong crew ng Vietnamese vessel na nangingisda sa bahagi ng teritoryo ng bansa.

Kinilala ang mga dayuhan na sina Hunya Van Day, kapitang ng barko; Cao Van Mih; Lam Tang Hung; Huyuh Tuan Anh; Huyuh Van Cuong; Nguyen Ngoc Hoa; at Vo Van Taun na dinala sa Philippine National Pollice Maritime Group sa Bongao, Tawi-Tawi, dahil sa kawalan ng clearance.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nahuli ang mga ito kasabay ng panawagan na paalisin ang mga Chinese vessel na nasa Julian Felipe Reef na exclusive economic zone ng Pilipinas.

Samantala, nakipag-usap na umano si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese Ambassador Huang Xilian hinggil sa mga barko nito na nasa teritoryo ng Pilipinas. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.