Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 naka-SUV timbog sa boga

0 69

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 ang pitong kalalakihan na nahulihan ng mga baril matapos sitahin ang kanilang mga sasakyan habang napaparada sa Quiapo, Maynila kamakalawa.

Ikinulong sa MPD-Station 4 ang mga suspek na nakilalang sina Policarpio Magbanwa Jr., 48; Mark Abion, 37; Arnel Poso, 44; Alex Aniñon, 45; Marlou Sanghilan, 37; Leonardo Aguilar, 37; at Elmer Gawat, 38.

Ayon kay Lt. Col. Guiagui, commander ng MPD-Station 3, alas-12:58 ng tanghali nang masita ang mga suspek hapon nang masita ang mga suapek noong Martes, Oktubre 5.

SM food to go Banner Ad

Una rito, namataan umano ang tatlong sport utility vehicle na nakaparada sa panulukan ng Rizal Avenue at Carriedo sakop ng Quiapo at nakatawag pansin sa mga nagpapatrulyang pulis dahil naging sanhi ng trapiko.

Tumawag muna ng backup ang mga pulis saka nila nilapitan ang mga sasakyan at kinausap ang mga suspek.

Siniyasat ang mga sasakyan at bumulaga sa mga pulis ang pitong baril na kalibre .45, mga magazine at 85 piraso ng bala.

Wala umanong plaka ang tatlong SUV at boluntaryo namang sumuko ang mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.