Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 nalambat sa buy-bust

0 64

Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang pitong indibiduwal sa magkahiwalay na buy bust operation kahapon sa San Miguel at Tondo, Maynila.

Tinatayang aabot sa P5.6 milyong shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Iniharap sa media ni Manila Mayor Isko Moreno at Manila Police District (MPD) Director PBGen Leo Francisco ang mga suspek na sina Nasfira Abdulla, ng San Miguel, Maynila; Jonathan Balingit, 24; Esmelita Tumbagahan, 61; Renalyn Silverio, 40; Aldwin Castillo, 43; Anna Punzal, 40; at Mark Echalar, 42, pawang taga-Tondo, Maynila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Unang naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng MPD-Barbosa Police Station (PS14) si Abdulla. Nakuha mula dito ang 7 knot tied transparent plastic bags at 9 pirasong heat sealed transparent sachets, na naglalaman ng 735 gramo ng shabu na nagkakahalagang P5 milyon.

Madaling-araw naman ng Martes nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng MPD-Jose Abad Santos Police Station ang anim pang suspek sa Juan Luna St., Tondo.

Nakuhaan ang mga ito ng 100 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P680K. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.