Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 nanay sa shabu humugot ng pamasko

0 196

Para kumita at mabilisang makabulsa ng pera ngayong Pasko, sa pagtutulak luminya ang pitong ginang na ikinaaresto rin ng mga ito sa isinagawang buy bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Kinilala ang nahuling sina Vivian Dela Torre, 51; Marietta Letran, 42; Melody Aurea, 31, pawang taga-Cavite City; Angeline Lacson, 35, ng Imus; Archie Cunanan, 36, Ma Rhea Petiño , 37 at Jennilyn Caones, 30, pawang taga-Dasmarinas City.

Alas-5:50 kamakalawa ng hapon at alas-11:45 ng gabi nang magsagawa ng magkasunod na buy bust operation ang Cavite City Police Station sa Brgy 40 at Brgy 36M, Cavite City na ikinaaresto nina Dela Torre, Letran at Aura.

Sa Naic, Cavite dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi naman nadakip si Caones at nahulihan ng hinihinalang shabu.

Dakong alas-11:00 ng gabi nang sinuyod ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemnt Unit (DEU) ng Imus CPS sa Brgy Malagasang 2-A, Imus City na ikinatimbog ni Lacson at marekober dito ang 3 sachet ng shabu.

Nakipag-transaksiyon din sina Cunanan at Petino sa isang posuer buyer kamakalawa ng gabi sa Brgy San Andres 1 Dasmarinas City, Cavite kaya nakorner. Bukod sa dalawa, kasama rin nila si Angelo Baldogo, 51, Idinadahilan ng mga nahuling ginang na wala silang budget ngayong Pasko kaya napilitang magbenta ng droga. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.