Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 patay, sugatan sa salpukang dyip at trak

0 68

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang anim na iba pa matapos magsalpukan ang isang dyip na may kargang harina at isang pick-up truck, Lunes ng hapon sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ni Police Major Julhamin Asdani, hepe ng Sultan Kudarat Municipal Police Station (MPS), ang nasawing bktima na si Mohammad Nor Guimad Kadil, nasa hustong gulang, drayber ng dyip na may kargang harina.

Sugatan naman ang pasahero nitong sina Diokno Kadil, 56; Eyyad Buisan, 8; at Geraldo Segundera, 73, pawang residente ng Barangay Poblacion, Datu Piang, Maguindanao.

Tatlo namang pasahero ng nakabanggaang pick-up truck ang sugatan din na sina Benjamin Labay Malang, drayber, at sakay na sina Nelson Adil, 26, at Norhaina Mamadra Datumanong, ng Sultan Kudarat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-12:15 ng hapon kamakalawa habang magkasalungat na binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng highway sakop ng Barangay Ladia ng bayang ito.

Pagdating sa pakurbang bahagi ng daan ay parehong hindi nag-menor ang dalawang sasakyan at nagkabulagaan dahilan ng head on collision. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.