Abante Tonite Interactive

7 pulis na positibo sa coronavirus

519

Umakyat na sa pito ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac kahapon, Martes, matapos na madagdagan pa ng apat ang dating tatlong pulis na nagpositibo sa coronavirus.

Batay sa datos mula sa PNP Health Service, tatlong lalaki at isang babaeng pulis na pawang nakadestino sa Metro Manila ang nadagdag sa kanilang bilang ng mga apektado ng COVID-19.

Kasunod nito, sinabi pa ni Banac na aabot na sa 145 pulis ang inirekomenda ng PNP Health Service na mga person under investigation (PUI) habang nasa 1,416 naman na ang naitala bilang mga persons under monitoring (PUM).

Dahil dito, binuo na ng PNP ang National Headquarters Medical Reserve Force para sumuporta sa COVID 19 Operations Task Force.

Kinabibilangan ito ng 257 pulis na may angking karanasan sa aspetong medikal upang siyang magsisilbing front liner sa PNP Health Service at PNP General Hospital. (Edwin Balasa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad