Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 pulis sa Calbayog mayor ambush hawak ng PNP

0 45

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila pagtatakpan ang pitong tauhan nilang sangkot sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na ang mga nasabing pulis ay isasailalim sa restrictive custody ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Police Regional Office 8 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Dapat aniyang harapin ng mga pulis Samar ang isinampang reklamong murder at frustrated murder laban sa kanila ng National Bureau of Investigation (NBI).

Hangad aniya nilang lumabas ang katotohanan at makamit ang hustisya sa insidente dahil kabilang sa mga nasawi ay pawang mga pulis din na umaalalay sa alkalde.

Kamakalawa ay isinampa na ng NBI sa Department of Justice ang kaso laban sa pitong pulis batay na rin sa hawak nilang mga ebidensiya, tulad ng testimonya ng 53 saksi, kuha ng CCTV sa pangyayari, at palitan ng mga mensahe sa nakumpiska nilang cellphone ng mga salarin.

Kasunod nito, inatasan din ni Eleazar ang mga sangkot na pulis na iharap ang kanilang mga sarili sa ipatatawag na mga imbestigasyon, partikular na sa Senado. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.