Abante Tonite Interactive

7 sports ng SEA Games sa RMSC, PSC — Ramirez

0 192

Tinupad ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kanilang pangako sa pagsasaayos ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Manila at ­PhilSports Complex (PSC) sa Pasig, na magiging parte sa kasaysayan ng PH sports.

Magiging buwena-mano ang ­gaganaping pito sa 56 sports ng 30th ­Southeast Asian Games 2019 na idaraos sa bansa sa ­Nobyembre 30-Disyembre 11 sa sinamoderno’t pinagandang RMSC at PSC.

Naisagawa ang ­pagkumpuni sa ­dalawang sports ­complex sa donasyong P842 million sa PSC ng ­Philippine Amusement and Gaming ­Corporation (PAGCOR), ‘di mula sa P6B SEA Games budget.

“This is a sporting heritage that will always remind us of the ­hardships, ­failures and victories of every ­Filipino athlete,” pahayag Miyerkoles ni Team Philippines Chef de Mission at PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ginanap na nitong Lunes sa bagong kumpuning Rizal Memorial Track-Football Stadium ang SEAG men’s ­football competition, limang araw bago pa ang SEA Games opening ceremony sa Sabado, Nobyebre 30 sa Philippine ­Arena sa Sta. Marcia-Bocaue, Bulacan.

Bukas naman ang Rizal Memorial ­Coliseum sa mga paparating na bisita na makikipagtunggali sa gymnastic event tapos din ng renovation dito na sinimulan nitong July.

Kabilang rin ang lawn tennis at soft tennis competition sa iho-host ng RMSC Tennis Center habang ang ­indoor ­volleyball ­naman ay gaganapin sa ­pinagarang PhilSports Multi-Purpose Arena o PhilSports Arena.

“These restored facilities are not only for SEA Games but for Team ­Philippines so they can have a morale boosting inspiration that will eventually result to a levelled-up performance. This is not for PSC, this is for Team Philippines and our future generations,” panapos ni Ramirez. (Aivan Episcope)