Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 staff ng DOH na-virus

0 228

Isang linggo na pansamantalang sarado ang tanggapan ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal Quezon) matapos magpositibo sa COVID-19 ang pito nilang staff sa isinagawang swab test sa lahat ng kanilang empleyado.

Ayon kay DOH Regional Director Eduardo C. Janairo, sarado ang kanilang tanggapan mula July 27 hanggang July 31.

“We have decided to temporarily close the office to give time for an office-wide cleaning and conduct disinfection activity in all its premises,” ayon kay Janairo.

“Close contacts of those who have been found to be positive of the virus will undergo strict quarantine and isolation as per requirement to prevent its further spread. These measures shall be employed to ensure the health and safety of the employees and the public as well,” paliwanang pa nito.

Nabatid na sa pitong kumpirmadong kaso, 6 dito ay active cases.

Ang tanggapan ng DOH-CALABARZON Regional Office ay nasa Quirino Memorial Medical Center Compound sa Project 4, Quezon City. Magre-resume ang kanilang operasyon sa August 3, 2020.

(Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.