Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 sugarol tinimbog

0 79

ARESTADO ang pitong kalalakihan na nagkanya-kanya pang takbo matapos mahuling nasa aktong nagsusugal sa Sitio Kilkiling, Barangay Anaao, Alilem, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ng Alilem Police Station (APS) ang mga suspek na sina Rogelio Bastian; Joel Bagayao; Marcelino Toling; Arnel Dumangeng; Manuel Ucalde; Modesto Bastian at Brent Gonzalo.

Sa report ng APS, bago ang pagsalakay, nakatanggap sila ng tawag sa telepono na mayroong grupo ng kalalakihan na nagsusugal sa nasabing sitio.

Dito ay nagkasa ang anti-gambling unit ng pulisya at sinalakay ang lugar.

Huli sa aktong nagsusugal ang mga suspek. Sinubukang tumakas ng mga ito ngunit sila ay nakorner ng mga operatiba.

Dinala sa APS ang mga suspek at kinasuhan ng anti-gambling law. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.