Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 swak sa National Mental Hospital boss murder

0 158

Pinasampahan na ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo ng kasong murder ang pitong suspek na kinabibilangan ng mataas na opisyal ng National Center for Mental Health (NCMH) na sinasabing utak sa pananambang sa kanilang boss na si Director Roland Cortez at driver nito.

Kinalala ang mga ito na sina Clarita Mendoza Avila, NCMH chief administrative officer; dalawang empleyado na sina George Serrano; Harly Pagarigan; Roman Balaan Eugenio, 44; Cristina Mitra Riego, alyas Ma. Cristina Riego Dela Cruz, negosyante; Edieson Riego Mitra, 26, online seller; at Sonny Mitra Sandicho, 42, kapwa mga taga-Rizal.

Kinasuhan ang mga ito batay sa mga nakalap na ebidensya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni PMaj. Elmer Monsalve.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Posible umanong motibo sa krimen ang laban ng biktima kontra sa korapsiyon. Nabatid na nagpapatupad ng mga reporma si Cortez sa NCMH, na nagresulta upang maimbestigahan ito ng National Bureau of Investigation at masampahan ng kaso ang suspek na si Avila.

Noong Hulyo 15, 2019 ay naghain ng reklamo si Cortez sa Office of the Ombudsman laban sa NCMH chief administrative officer na si Avila dahil sa iregularidad sa pag-award ng proyektong ektensyon ng NCMH’s Pavilion 6 sa Octant Builders.

Lumalabas na si Avila ay sangkot din umano sa katiwalian na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng food catering gayundin sa clothing at medication procurement sa NCMH.

Sinabi naman ni Montejo na ngayong nasampahan na ng kaso ang mga suspek sa hukuman ay ikinokonsidera na nilang lutas na ang krimen. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.