Abante Tonite Interactive

7-taong gulang na bata, ginilitan at pinagsasaksak ng ama

Part 4

By
122

Nataon ang selebrasyon sa pagtatapos ng kontrata ni Cathy kaya’t lubos ang kasiyahan ni Cathlene dahil buo ang kanyang pamilya sa pagdaraos ng kanyang ika-pitong taong kaarawan.

Bukod naman sa pagdalo ng malalapit na mga kaanak at kaibigan ng mag-asawa, imbitado rin ni Cathlene ang kanyang mga kalaro at ka-klase kaya’t kitang-kita sa mukha ng bata ang kasiyahan na lalung ikinalugod ng kaniyang mga magulang.

Natapos ng maayos ang selebrasyon at hindi maikakaila sa anyo ng batang si Cathlene ang labis na kasiyahan lalu na’t kapiling na muli ang kanyang ina na labis din niyang kinasasabikan lalu na’t matagal din ang ipinananatili ng ginang sa ibang bansa upang gampanan nag pinasok na trabaho.

Abante Hiring – IT dep

Ang hindi batid ng lahat, ang bonggang selebrasyon ng ika-pitong taong kaarawan ni Cathlene ang huli na niyang pagdiriwang ng araw ng kanyang kapanganakan dahil noong madaling araw ng Mayo 20, 2004, araw ng Martes, pasado alas-3 ng madaling araw, natagpuan ang wala ng buhay na bata na naliligo na sa sariling dugo sa tinutulugang silid sa loob ng kanilang tirahan sa Brgy. Sta. Lucia.

Tadtad ng saksak ang likod at katawan ang bata at umaagos pa ang dugo sa kanyang leeg dahil sa malalim ding tama ng saksak nang datnan ng mga kaanak ni Mark Alvin sa loob ng silid.

Mabilis namang humingi ng tulong ang tiyahin at iba pang kaanak ni Mark Alvin sa mga opisyal ng batangay na sila namang tumawag sa mga pulis upang ipabatid ang pangyayari.

Nang dumating ang mga pulis, sa pangu­nguna ni Chief Insp. Elmer Monsalve na noon ay siyang hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Homicide Section, kasama ang imbes­tigador na si PO2 Alvin Quisumbing na hahawak sa kaso, kaagad nilang kinordon ang lugar upang hindi magalaw ang mga ebidensiya habang hinihintay ang pagdating ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na magpo-proseso sa karumal-dumal na krimen.

Unang tumambad sa paningin ni Chief Insp. Monsalve ang larawang ini-upload pa ni Mark Alvin sa kanyang social media account na Facebook na nananatiling nasa kanilang desktop computer na nagpapakita sa wala ng buhay niyang anak na ipinadala sa kanyang asawang si Cathy na kasalukuyang nasa bansang Canada at sa kanyang inang si Marlene na naka-base naman sa Estados Unidos.

Ang paga-upload ni Mark Alvin sa karimarimarim na larawan ng kanyang anak na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng saksak ang dahilan upang kaaagad iutos ni Supt. Rodelio Marcelo na noon ay siyang hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang pag-TUGIS kay Mark Alvin na siyang pangunahing suspek sa pagpatay sa sariling anak.