Abante Tonite Interactive

7-taong kulong sa ex-mayor ng Mountain Province

105

Sinentensyahan ng Sandiganbayan ang da­ting mayor sa Mountain Province ng pitong taong pagkabilanggo matapos mapatunayang guilty umano sa kasong extortion sa isang private supplier na may kontrata sa kanyang munisipyo.

Sa 31-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division, napatunayan na guilty sa kasong katiwalian si ­dating Barlig, Mountain ­Province Mayor

Crispin Fias-ilon dahil sa paghingi umano ng pera sa Blessed Saint John Pharmaceuticals and General Merchandise.

Bukod sa pitong taong pagkakakulong ay hindi na rin puwedeng pumasok o magtrabaho sa gobyerno si Fias-ilon na bahagi ng senten­syang ibi­naba ng anti-graft court laban sa kanya.

Nadiin sa kaso si Fia­s-i­lon dahil sa testimonya ng ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nahuli nila ito noong ­Hunyo 16, 2006 habang tinatanggap ang marked money mula sa complainant.