Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 tulak timbog sa Navotas, Caloocan

0 41

Pitong suspek ang nasakote ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Navotas kamakalawa at sa Caloocan City kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ni Navotas Police chief Col. Dexter Ollaging ang mga suspek na nasakote sa buy-bust operation sa naturang lungsod na sina Emilyn Lacson alyas `Milyn’, 29, at Alfredo Aransay alyas `Pusoy’, 40, na nahulihan ng 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Nalambat din sa Navotas sina Jervy Biason alyas `Boy-boy’, 36, at Alfredo Malaca alyas `Bong-Bong’, 42, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagkunwaring bibili ng droga sa kanila.

Narekober sa dalawa ang nasa 10.4 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P70,720.

Dinakip naman ng mga tauhan ng Navotas Maritime Police ang suspek na si Mark Antonio Cabarles alyas `Macho’, 24, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Navotas Regional Trial Court Branch 28 Presiding Judge Ronald Que Torrijos para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, arestado rin sa Caloocan City ang dalawang suspek sa droga matapos mahulihan ng aabot sa 40 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272,000 kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ni Northern Police District director Brig. Gen. Ulysses Cruz

ang dalawang suspek na sina Jayson Ben Bisnar alyas `Venzon’, 37, at Jeffrey Estallo alyas `Pilay’, 31. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.