Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 turista dinakma sa pekeng swab test

0 253

Arestado ang pitong turista sa Boracay matapos madiskubre na peke ang RT-PCR test result na kanilang ipineresenta sa kanilang pagbiyahe.

Noong Biyernes umano dumating ang mga turista sa isla at sa gitna ng inspeksyon, napansin na peke ang mga dala nilang test result.

Dahil dito ay dinala sila sa quarantine facility sa Kalibo, Aklan kung saan sila sasailalim sa swab test.

SM food to go Banner Ad

Apat sa kanila ay taga-Cavite, habang ang iba ay mula Quezon City, Maynila at Bulacan.

Sasampahan sila ng kaso sa paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at maging falsification of documents.

Bukas ang Boracay para sa mga turista mula NCR Plus simula pa noong Hunyo 1.

Leave A Reply

Your email address will not be published.