Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 Vietnamese hinarang ng BI

0 55

Hindi nakalusot sa mga Bureau of Immigration (BI) officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pitong Vietnamese national matapos hindi maipaliwanag ang layunin ng pagpasok sa bansa.

Naharang sa magkahiwalay na araw ang 7 dayuhan matapos ang paglipad mula sa Saigon at Singapore.

“We intercepted the first batch of three passengers on February 9, and denied their entry to the country. However, we were surprised to find that another four arrived the following day,” ayon sa BI.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inendorso umano ang grupo ng isang IT and business solution company. Pero nang tanungin ang mga ito paano sila naging konektado sa kompanya, lahat umano sila ay nagbigay ng magkakasalungat na mga sagot at inamin na nagkita lamang sila sa Vietnam International Airport.

Kaya naman binukod ang pito sa kaugnay ng Section 29(a) 5 ng Philippine Immigration Act of 1940.

Paalala ni BI Commissioner Jaime Morente sa mga tauhan sa puwerto na mahigpit na subaybayan ang mga parating na pasahero sa kabila ng unti unting pagluwag sa mga paghihigpit sa paglalakbay sa bansa.

“All immigration officers must strictly assess arriving passengers to ensure the legitimacy of their purpose of travel,” sabi ni Morente. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.