Abante Tonite Interactive

7 wanted sa rape, murder, droga nalambat

686

Pitong suspek sa kasong rape, murder at iligal na droga ang nasakote sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Las Piñas, Parañaque, at Pasay City kamakalawa.

Dakong alas-dos ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena at Intelligence Section ng Las Piñas at Imus City Police ang suspek na si Kervy Costa, nasa hustong gulang, sa isang follow-up operation sa Merychris Complex, Malagasang, Imus, Cavite dahil sa kasong rape.

Inaresto si Costa sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Joselito Vibandor ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 199.

Dinampot naman sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng isang korte sa Parañaque ang suspek na kinilala lamang ng pulisya sa alyas Iying dakong alas-9:00 nang umaga sa Masville, Brgy. BF Homes, Parañaque dahil sa kasong murder.
Kabilang sa inaresto ang tatlong kasamahan ni Iying nang maaktuhan na nagpa-pot session.

Hindi rin binanggit sa police report ang mga pangalan ng tatlong kasamahan ni Iying pero sinabi sa ulat na nahulihan sila ng 14 plastic sachet ng shabu, dalawang baril na kalibre .45 at .22, at mga bala.

Dakong alas-12:30 ng tanghali nang maaresto naman ng mga pulis-Pasay­ ang suspek na si Arvin Viceda, 24-anyos, sa loob ng isang fast food chain sa panulukan ng Sen. Gil Puyat Avenue at Donada St., ng nasabing lungsod.

Inaresto si Viceda sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Restituto Mangalindan Jr. ng Pasay City Regional Trial Court Branch 144 dahil sa kasong rape.

Bandang alas-11:30 ng umaga nang masakote rin ang suspek na si Lhoyd Valoenzuela.