Abante Tonite Interactive

7 winalis ni Racasa tungo sa korona

223

Ni: Elech Dawa

Winalis lahat ni Filipina youngest Woman FIDE Master Antonella Racasa ang pitong nakatunggali upang sikwatin ang korona sa 2019 National Age Group Chess Championships Visayas Leg Girls Under-12 na ginanap sa Seaside sa Cebu.

Nakapagtala si 11-year-old Racasa ng perfect sevent points upang makapasok sa Grand Finals at magkaroon ng tsansa na makalaro sa Asean Chess Championships sa Myanmar.

Pinisak ni Racasa si Aeralyn Sinining sa final round sa event na ipinatupad ang seven-round Swiss system.

Nakopo ni No. 2 seed Ruelle Canino ang second place matapos ilista ang anim na puntos habang tersero si Lyn Getubig.

Top three woodpu­shers ang kukunin sa bawat Legs, (Luzon, Visayas, Mindanao) at pagkatapos ay magkikita ang mga ito sa grand finals.

Tatlong chessers ang kukunin sa Grand Finals para naman isabak ng bansa sa Myanmar.