Abante Tonite Interactive

70-anyos na ina pinagtataga

231

Namatay sa marahas na paraan ang isang 70-anyos na ginang matapos itong pagtatagain ng kanyang binatang anak na hinihinalang may diperensiya sa pag-iisip, sa San Ramon East, Manabo, Abra noong Lunes.

Kinilala ng Manabo Police Station ang suspek na si Ramos Carpio Miguel, 35-anyos.

Batay sa ulat ng pulisya, nagsasampay ng damit ang biktimang si Leonida Miguel nang lapitan ito ng kanyang anak na may dalang itak at walang sabi-sabing pinagtataga sa leeg at kanang balikat.

Hindi pa mabatid kung ano ang dahilan o motibo ng suspek para patayin ang kanyang ina pero hinihinalang may sakit ito sa pag-iisip.

Itinakbo sa pagamutan ng mga sumaklolong kalugar ang biktima pero dineklara itong dead-on-arrival.

Nasa kustodiya ngayon ng Manabo Police Station ang suspek na isasailalim sa psychiatric examination para malaman ang lagay ng pag-iisip nito. (Allan Bergonia)