Abante Tonite
Mabilis sa Balita

70 dinampot sa illegal drug ops

0 200

Pitumpung lumabag sa batas kabilang ang 17 drug suspects ang natimbog ng Station Drug Enforcement Unit(SDEU) sa inilatag na anti-illegal drug operations ng Bulacan PNP sa ikatlong araw ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Bulacan noong Sabado.

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, 17 drug suspects ang nadakip sa ikatlong araw ng pinaigting na SACLEO ng kapulisan at nakorner ang mga ito ng SDEU ng mga bayan at siyudad ng Balagtas, Bulakan, Calumpit, Marilao, Obando, San Rafael, Malolos City at Norzagaray.

Katuwang ng SDEU ang Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa pamumuno ni P/Major Jansky Andrew Jaafar, at 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at umabot sa kabuuang 51 pakete ng shabu, isang pakete ng damo, drug paraphernalias at buy-bust money ang narekober ng pulisya. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.