Abante Tonite Interactive

70 puntos sa 44 minuto kinamada ni George

778

Pinaramdam muli ng six-time NBA All-Star na si Paul George ang kanyang bagsik nang bumira ng 37 points, 4 rebounds, 3 assists at 2 steals kontra Atlanta Hawks.

Ang pinasiklab na 37 points ni Paul mula sa kanyang playing time na 20 minuto ay nagbigay rin sa kanya ng panibagong milestone bilang pinakamaraming puntos na inilista sa loob lamang ng 20 minuto.

Ito naman ang ika-70 puntos sa loob ng 44 minutong pinagsama ni Paul kasama ang nilaro niya sa makaraang bakbakan kontra Pelicans noong nakaraang Biyernes.

Paano niya nagawa ito?
“I got new shoulder. I can’t say nothing else to that, I got new shoulders. And they haven’t been this healthy in a long time,” pahayag ng Clippers guard.

Magandang performance naman ang ipinapamalas ni George upang pangunahan ang opensiba ng Clippers habang nagpapagaling ang former champion na si Kawhi Leonard.

Ito naman ang hudyat niya sa iba pang makakabangga ng Clippers na kaya niyang ipakita ang kanyang playoff form kahit na nasa elimination round pa lamang ang NBA. (Aivan Episcope)