Abante Tonite Interactive

700 pasahero pinababa sa MRT

By
0 1,246

Halos 700 pasahero ang naabala makaraang pababain sa Metro Rail Transit (MRT) kahapon makaraang magkaproblema sa pintuan ng tren.

Ibinaba ang mga pa­sahero sa northbound na bahagi ng Guadalupe station matapos magkaproblema ang pinto ng tren bandang alas-5:28 ng hapon.

Ayon sa MRT ma­nagement, posibleng nasandalan o pinilit buksan ang pintuan ng tren kaya nagkaroon ng aberya.

Muli namang nakasakay ang mga pasahero sa sumunod na tren matapos ang walong minuto.