Abante Tonite Interactive

70K batang ‘non-reader’ sa Bicol krisis sa edukasyon – Salceda

1,674

Itinuturing ni Albay Rep. Joey Salceda na pambansang krisis ang lumabas na report hinggil sa mahigit 70,000 elementary student sa Bicol Region na hindi marunong magbasa ng English at Filipino.

Inilarawan pa ng mambabatas ang problemang ito bilang ‘tic­king economic time bomb’ na kailangang matugunan kaagad.

Ayon kay Salceda, ang nasabing bilang ng mga batang hindi marunong magbasa sa isang rehiyon lamang ay isa nang krisis at nararapat maaksyunan.
Aniya, kailangan ng “systemic national reform” para matugunan ang problema sa kabataan sa Bicol.

Isa sa nakikitang suliranin ng mambabatas sa sistema ng edukasyon sa bansa ay sob­rang ‘overworked’ na aniya ang mga estud­yante at mga guro dahil sa dami ng kanilang mga aralin at mga aktibidad sa paaralan.

“Too many subjects. Too many activities. Not enough results. In college, I was taught the principle of ‘non multa sed multum’. Not many things, but much. That’s what our education system needs today,” ani Salceda. (JC Cahinhinan)