Abante Tonite
Mabilis sa Balita

70K sundalo dineploy

0 36

AABOT sa halos 70,000 mga sundalo at force multipliers ang nakakalat ngayon sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Ramon Zagala.

Aniya, kasama na rin dito ang mga force multipliers na makakatuwang nila sa pagbabantay sa mga presinto ngayong araw ng halalan.

“A total of 69,705 will be guarding (the elections),”pahayag ni Zagala.

Dagdag pa ni Zagala, karamihan sa mga ito ay itatalaga sa mga lugar na may mataas na insidente ng banta o mga terror groups.

Handa rin aniya ang mga sundalo na masawata ang anumang banta ng terorista sa araw ng eleksyon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.