Abante Tonite
Mabilis sa Balita

71-anyos nag-dive sa pool, dedbol

0 275

Di na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang 71-anyos matapos itong masawi makaraang mag-dive sa 5 talampakang swimming pool sa isang beach resort sa Napti, Batan, Aklan.

Ang biktimang senior citizen ay kinilalang si Gabriel Patricio, taga-Pangabuan, Jamindan, Capiz.

Ayon sa Batan PNP, alas-11:00 ng umaga ng Okt. 1 nangyari ang insidente.

Sinasabing ginawa ng biktima ang mga kabataang nagtatalunan sa diving board sa nasabing swimming pool.

Pag-dive nito sa 5 talampakang lalim na swimming pool mula sa diving board ay lumutang itong wala nang malay habang may nakitang dugo sa tubig sa paligid ng biktima.

Agad naman itong sinagip ng MDRRMO Batan at isinugod sa Altavas Hospital binigyan subalit hindi na naisalba pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.