Abante Tonite
Mabilis sa Balita

71 Saudi OFW pa iuuwing bangkay

0 411

May 71 bangkay ng mga overseas Filipino worker ang inaasahang iuuwi ng gobyerno sa Hulyo 28, Martes, mula sa Saudi Arabia.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ito na ang pangatlong batch ng mga bangkay ng OFW na iuuwi sa Pilipinas na karamihan ay namatay dahil sa COVID-19.

Dumating ang unang batch noong Hulyo 10 kung saan 19 ang nasawi sa COVID-19 habang iba-iba naman ang dahilan ng pagkamatay ng 30 pa. Iniuwi naman ang pangalawang batch ng 88 OFW noong Hulyo 19.

Sa pahayag nitong Linggo, sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na ang pamahalaan ang gagastos para maiuwi ang mga pumanaw na OFW ganundin sa cremation, transportasyon at iba pang gastusin. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.