Abante Tonite Interactive

72-anyos na half sister ginapang

366

By Orlan Linde

Hindi na isinaalang-alang ng isang binata ang edad ng kanyang half sister na 72-anyos matapos na pagtangkain itong molestiyahin sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City Biyernes Santo nang gabi.

Ang 42-anyos na suspek na sadyang hindi na pinangalanan para na rin maitago ang pagkakaki­lanlan ng biktima, ay nahaharap ngayon sa mga kasong grave threat at acts of lasciviousness

Sa salaysay ng biktima sa Women and Children’s Desk ng Valenzuela City Police, nangyari ang tangkang pagmolestiya sa kanya ng suspek dakong alas-10:30 nang gabi.

Agad naman nagsumbong ang biktima sa Police Community Precinct 2 sa kanilang lugar kung kaya’t inaresto ng mga pulis ang suspek.