Abante Tonite Interactive

72 COVID testing laboratory nakapila sa DOH

611

Nasa 72 laboratoryo sa bansa ang isinasailalim sa pag-aaral ng Department of Health (DOH) kung puwedeng magamit para sa COVID-19 testing ng mga tinamaan ng naturang sakit.

“Meron po tayong nakapila na around 72 na laboratory na ina-assess natin all over the country,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam sa radyo.

Sa ngayon aniya, may siyam na public laboratory at dalawang private institution ang nagsasagawa ng COVID-19 testing at kabilang dito ang St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at ang The Medical City sa Pasig City.

Sinabi ni Vergeire na ang pagtaas ng bilang ng mga laboratory ay makakadagdag sa mass testing.

“Itong mass testing magiging risk-based pa rin. Ito ay magiging progressive. We are saying it’s progressive kasi tinitingnan natin na `yong testing maiaangat natin mula sa 8,000 hanggang sa mga 15,000 tests a day base sa mga istratehiya na meron tayo,” pahayag pa ni Vergeire.

“`Pag narating na natin ating target na 8,000 test per day mag-e-expand tayo ng coverage para makuha ang ibang sektor ng ating lipunan na nagkakaron ng sintomas,” dagdag pa ni Vergeire. (Riz Dominguez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad