Abante Tonite
Mabilis sa Balita

72 rebelde balik-loob sa gobyerno

0 278

Umabot sa 72 dating rebelde ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Pangasinan Provincial Police Office (PPPO).

Ayon kay PPPO spokesperson P/Capt. Ria Tacderan, naganap ang pagsurender ng mga dating rebelde sa ilalim ng Oplan Panagsubli 2. Dahil dito, nagkaroon ng ikalawang pagkakataon na yakapin ng gobyerno ang mga rebelde sa bayan ng San Quintin bagamat nagmula ang mga ito sa iba’t ibang bayan sa probinsya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Tacderan, na unang isinagawa ang programa sa bayan ng Mabini.

Nilinaw din nitong matagal ng namumuhay ng normal ang mga dating rebelde ng New People’s Army (NPA) subalit ang isinagawang programa ay bilang pormal na pagsuko nila sa pamahalaan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.