Abante Tonite
Mabilis sa Balita

72K nakarekober sa COVID bagong record high

0 329

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong record high sa bilang ng mga gumaling sa COVID-19 subalit patuloy pa rin ang pagsirit ng mga bagong kaso nito.

Sa COVID-19 Case Bulletin No. 400 ng DOH nitong alas-kuwatro ng hapon ng Linggo, Abril 18, nakapagtala ng 10,098 bagong kaso habang nasa 72,607 ang bagong gumaling.

Kaya umakyat na sa 936,133 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa habang nasa 779,084 naman ang mga nakarekober sa naturang sakit.

Nakapagtala naman ng 150 bagong nasawi kaya pumalo sa 15,960 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa coronavirus infection.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mayroon namang 141,089 na naitalang mga aktibong kaso.

Sa mga aktibong kaso ay 96.7% ang mild, 1.7% ang asymptomatic, 0.7% ang severe, 0.43% moderate at 0.5% ang nasa critical condition.

Inalis din umano ang 17 duplicate mula sa kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 kung saan ay pito pala ang nakarekober.

May 48 kaso naman na unang iniulat na nakarekober ay binago ang klasipikasyon matapos lumabas sa final validation na nasawi pala ang mga ito. (Juliet de Loza-Cudia/PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.