Abante Tonite Interactive

73% Pinoy bilib sa drug war ni Duterte

0 265

Inaasahan na ng Malacañang ang positibong survey patungkol sa pagbaba ng bilang ng mga drug user sa bansa dahil sa magandang ipinapakita ng anti-drug campaign ng Duterte administration.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng Social Weather Station (SWS) survey kung saan 73% ng mga Pilipino ay naniniwalang nabawasan na ang mga drug user sa bansa simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30, 2016.

Sinabi ni Panelo na sa kabila ng pag-iingay ng mga kritiko at paninira kaugnay sa anti-drug campaign ng gobyerno, lumitaw pa rin kung ano ng tunay na nakikita at nararamdaman ng mga Pilipino.

Nakikita aniya ng sambayanan ang mga tunay na pagbabagong ginagawa ng Duterte administration kaya naman mataas ang bilang ng mga Pilipinong nagtitiwala at sumusuporta kay Pangulong Duterte.

Ang survey ay ginawa noong Dis.13-16, 2019 subalit nitong Lunes lamang inilabas ng SWS.(Aileen Taliping/Prince Golez)