Abante Tonite Interactive

74-anyos natagpuang naaagnas

By ,
13

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang babaeng biyuda matapos umanong atakehin sa puso, kamakalawa ng hapon, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni SPO1 Joseph Kabigting, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section ang biktimang si Magdalena Ravanilla Nacion, 74, at taga-3334 P. Del Rosario St., Bo. Obrero, Tondo, Maynila, natagpuan patay sa loob ng kanyang bahay.

Nabatid na alas-3:30 ng hapon, nang mag-utos ang kapitbahay ng biktima na si Maritess Roque, 51-anyos, sa anak nito na silipin sa silid si Nacion dahil halos isa’t kalaha­ting araw nang hindi luma­labas ng silid nito.

Huli umanong nakita ng mga saksi ang biktima dakong alas-sais ng gabi noong Huwebes, matapos manggaling sa Victoria Mall sa Caloocan.

Ayon kay SPO1 Kabigting nang matagpuan ang biktima ay nasa ‘early stage’ na ito ng pag­kabulok.

Napag-alaman na may sakit sa puso ang biktima, at inatake umano ito, pero walang kasama sa bahay, kaya’t hindi agad nadala sa pagamutan, dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kasalukuyang nasa Archangel Funeral Parlor ang mga labi ng biktima para sa awtopsiya.