Abante Tonite Interactive

75 katao sa Sulu nailigtas sa tumirik na lantsa

By
4

Nailigtas umano ng Philippine Navy ang 75 pasahero at crew ng isang lantsa matapos itong masiraan ng makina sa gitna ng karagatan sa Sulu province kamakalawa.

Sinabi ng militar na galing sa isla ng Pangutaran ang ML Nadzramar ng ito ay masiraan habang patungo sa Zamboanga City.

Natagpuan ang lantsa halos 30 oras na ang nakalipas ng ito ay magka-aberya.

Dalawang patrol boats ang dinispatsa ng Philippine Navy upang hanapin ang lantsa.

Nabatid na may 12 crew ito at 63 mga pasahero, bukod pa ang kargang 1,453 sako ng uling, 298 sako ng copra at 45 sako ng pinatuyong seaweeds.

Binigyan ng mga tubig at pagkain ang mga naligtas na agad dinala sa bayan ng Jolo.