Abante Tonite
Mabilis sa Balita

750 Pinoy nars wanted sa Germany

0 149

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang agarang pangangailangan ng 750 Filipino registered nurses sa bansang Germany.

Sa isang liham, sinabi ng DOLE na ang International Placed Service ng German Federal Employment Agency ay naghahanap ng mga kwalipikadong aplikante para sa mga sumusunod na posisyon: Intensive Care; Intensive Care Unit; Geriatric Care/Nursing Home/Elderly Care; General Ward; Medical and Surgery Ward; Operating Room; Neurology, Orthopedics and related fields; Psychiatry at Pediatrics, and Neonatal Ward.

Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod: Filipino citizen at permanent resident ng Pilipinas; Bachelor of Science in Nursing; Active Philippine Nursing License; At least one (1) year related professional experience (bedside) sa mga hospital, rehabilitation centers o care institutions.

Ang mga aplikante ay dapat magkaroon ng kasanayan sa wikang Aleman. Dapat makadalo sa language class sa Nobyembre 2021-Enero 2022. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.