Abante Tonite
Mabilis sa Balita

75th NBA papaigsiin

0 416

Lumutang ang isa pang posibilidad ng opening ng 75th NBA 2020-21 season – bago ang Christmas Day.

Kung matuloy itong plano, babawasan din ang games, gagawing 72 na lang bawat team.

Isa ito sa tinitingnan para hindi makompromiso ang players na maglalaro sa delayed Tokyo Olympics sa July.

Dahil sa coronavirus pandemic kaya nagkawindang-windang ang sporting schedules, mula sa events ng 2020 hanggang sa susunod na taon.

Kapag inumisahan ng Dec. 22, matatapos ang 72-game abbreviated schedule bago mag-July – buwan ng pagbiyahe na ng players pa-Tokyo para sa 32nd Summer Games.

Magkakaroon din ng pagkakataon na mag-slide sa tradisyunal na October opening ang 2021-22 season. Kasama na rin dito ang draft ng late June at free agency sa kaagahan ng July.

Kung tuloy sa Dec. 22 ang opening, may 11 weeks lang ang pahinga ng Lakers at Heat na nagbuno sa Finals. Sinikwat ng Los Angeles ang 2019-20 title sa Game 6 noong Oct. 11.

Unang inilutang ang posibilidad na sa Jan. 18 ang season opening. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.