Abante Tonite Interactive

76 patay, 1 nakaligtas sa Pakistan plane crash

0 353

May 76 katao ang nasawi matapos nang mag crash ang isang Pakistan International Airlines (PIA) noong Biyernes sa Karachi ,Pakistan.

Nabatid sa pahayag ng Sindh Health Department na may 99 na pasahero ang sakay ng eroplano mula sa Lahore.

Sinabi ni PIA CEO Air Vice Marshal Arshad Malik na hindi naman tumama sa eroplano sa anumang gusali at wala naman nasawi sa ground nang bumagsak ang eeoplano.

Isa umano sa nakaligtas ay nakilalang si Zafar Masood, Chief Executive Officer ng Bank of Punjab.

Patuloy naman iniimbestigahan kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano dahil ang A320 ang isa sa pinakaligtas na eroplano sa industriya.

Nalaman na nakahanda na umano ang piloto na mag- land nang magkaroon ng aberya .

Malalaman rin umamo ang dahilan sa sandaling ma retrieve ang flight recorder.(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad