Abante Tonite Interactive

Dirty Finger ni Guiao P11K ang katapat!

By
2,422

Pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office sina NLEX coach Yeng Guiao at San Miguel Beer guard Chris Ross dahil sa kinasangkutang insidente ng dalawa sa 109-98 win ng Beermen kontra Road Warriors sa Cuneta Astrodome noong Jan. 19.

Pagkatapos ng maingat na pagbusisi sa insidente, nabagsakan si Guiao ng P11,000 fine, P2,600 naman kay Ross.

Namultahan si Guiao dahil sa pagsenyas ng dirty finger, paggamit ng hindi angkop na salita at sa pakikipagsagutan kay Ross. Ejected ang player kulang 2 minutes na lang sa laro habang lamang ang SMB 103-91 dahil sa pangalawang technical foul mula sa pakikipagsagutan.

Nalusutan ni Guiao ang alegasyon na gumamit ito ng ‘N’ word habang nakikipagsagutan kay Ross. Inamin noon ng coach na nag-dirty finger siya, pero itinangging gumamit siya ng racist remark laban sa Fil-Am guard.

Sa postgame interview, binanggit ni SMB coach Leo Austria na sinabi raw ni Ross na ginamit ni Guiao ang ‘N’ word.

“Upon review of the incident, consulting possible witnesses to the event and discussing the matter with both parties, the alleged racist remark attributed to Coach Guiao could not be established,” anang statement ni PBA officer-in-charge Willie Marcial.

Ang insidente sa pagitan nina Guiao at Ross ay panghuli sa serye ng balyahan at girian sa laro.

Sinagasaan ni Von Pessumal ng SMB si Kiefer Ravena ng NLEX, sinipa ni

Michael Miranda sa puson si Ross.

Nakabitin pa ang penalty na ibibigay kina Eric Camson ng Kia at Raymond Almazan ng Rain or Shine na nagsikuhan sa 98-94 breakthrough win ng Picanto noong Jan. 20 sa Pasay venue rin.