Abante Tonite Interactive

76K Pinoy sa Israel, Lebanon pinaghahanda ni Digong sa gulo

By
1,721

May namumuong gulo umano sa Middle East kaya’t gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin ang mga Filipino sa bansang Israel at Lebanon.

Makakasama ni Pangu­long Duterte sa biyahe si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu.

Kinailangan ng Presidente ang tulong ng retired general upang siyang mag-assess sa lugar dahil sa umiinit na sitwasyon.

“I’m going there because of the 28,000 Filipinos and it’s getting hotter there and also in Lebanon there’s something bre­wing there. In Jordan, we have 48,000 Filipinos that’s why I’m brining Cimatu to prepare for that eventuality, and just in case war breaks out,” paliwanag ni Duterte.

Kasabay nito, sinak­yan naman ni Pangulong Duterte ang pahayag ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na hindi ang mga overseas Filipino worker (OFW) ang layon ng pagbisita nito sa Israel kundi ang magpagamot sa kanyang karamdaman.

Sinabi ng Pangulo na pagkatapos ng kanyang mga gagawin sa Israel ay magpabiyak ito sa tiyan, dibdib at pati utak.

Pabirong sinabi ng Pangulo na mas maganda kung operahan ang utak niya sa Israel, at walang maging problema sa kanya.

“Eh kung operahan nila utak ko doon eh di mas maganda. Wala man problema. And then I can have my stomach open, my chest open and my brain,” anang Pangulo.

Kasama ng Pangulo sa biyahe nito sa Israel ang mga magreretirong opisyal ng militar at pulisya bilang regalo sa pagsisilbi sa bansa at magpa-praktis aniya sila ng barilan sa Mt. Sinai.

Bahagi ng biyahe ng Pangulo sa Israel at Jordan ang pakikipagkita sa Filipino community na sabik makasalamuha ang Presidente.