Abante Tonite
Mabilis sa Balita

77% ng mga Pinoy atat na mamasyal – Sec Berna

0 98

Maraming Pilipino ang handa nang mamasyal sa mga tourist destination sa bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Inihayag ito ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa pagdinig ng Kamara nitong Huwebes hinggil sa P3.8 milyong panukalang budget ng kagawaran para sa susunod na taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Puyat, batay sa kanilang travey survey, nalaman na 77% ng mga Pilipino ang handa nang maglibot sa mga tourist spot sa bansa kahit wala pang bakuna kontra COVID-19.

Dahil dito, kailangan umanong pagtuunan ng pansin ng DOT ang pagpapalakas ng domestic tourism na siyang magiging daan para unti-unti nang makabangon ang sektor ng turismo sa bansa na isa sa pangunahing apektado ng pandemya. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.