Abante Tonite
Mabilis sa Balita

78-anyos kinatay ng kapwa lolo

0 113

PATAY ang isang 78-anyos na lolo nang pagsasaksakin ng kapwa niya senior citizen dahil sa matagal nang kinikimkim na galit sa kanilang pamilya sa Silang, Cavite Sabado ng gabi.

Hinihinalang ilang oras ng patay ang biktimang si Eugenio Barona Enrique, may-asawa ng Sitio Ibayong Ilog, Brgy Kaong, Silang, Cavite dahil sa mga saksak sa katawan at leeg at itinurong suspek si Francis Natanuan, 67, ng Sitio Ibayong Ilog, Brgy Kaong Silang, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Minervin Castillo, ng Silang Police Station, alas-6:00 kamakalawa ng gabi nang mamataan ang biktima na duguang nakahandusay sa semento at tadtad ng saksak sa Sitio Ibayong Ilog.

Ayon kay Castillo, matagal ng alitan sa pagitan ng suspek at pamilya ng biktima ang motibo sa pagpatay dahil sa umano’y pagtulong ng pamilya ng huli sa asawa ng suspek na minasama ng una. Magpinsan ang asawa ng suspek at asawa ng biktima.

“Minolestiya daw ng anak ng suspek ang kanyang kapatid kaya humingi ng tulong ang asawa ng suspek sa pinsan niya (asawa ng biktima) at minasama ito ni Francis kaya nagtanim ng galit sa pamilya Enrique” ayon kay Castillo.

Nabatid na inabangan ng suspek ang biktima habang naglalakad sa lugar at nang makatiyempo ay pinagsasaksak.

Naaresto naman ang suspek sa follow-up operation. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.