Abante Tonite
Mabilis sa Balita

78-anyos niratrat ng bisita habang tulog

0 88

Isang 78-anyos na lolo ang hindi na nagising sa pagkakatulog nang pasukin at pagbabarilin ng di nakilalang bisita sa Surigao del Norte.

Ang biktima ay si Rolando Leyson Sr., 78, taga-Purok 5, Brgy. San Pedro, Sison, Surigao del Norte.

Ayon sa Sison Police Station, ika-11:41 ng hatinggabi, Setyembre 12, habang natutulog sa kanyang silid ang biktima ay bigla na lamang itong sinugod ng di nakilalang salarin na armado at niratrat ang biktima.

Sinasabing may kakutsaba ang suspek na isang lalaking nagsilbi nitong look-out.

Nang mapuruhan ang pakay ay tumakas na ang mga suspek sakay ng itim na SUV.

Nakakuha ang pulisya sa crime scene ng mga basyo ng M16 rifle, 6 bala ng cal. 9mm pistol at isang cal. 22 rifle.

Sa ngayon ay masusi pang inaalam ang motibo sa pagpaslang at kung sino ang mga salarin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.