Abante Tonite
Mabilis sa Balita

787 empleyado ng MRT, LRT, PNR nagpositibo

0 269

Umabot sa 787 personnel sa mga railway system sa Metro Manila ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa ulat ng Department of Transportation (DOTr).

Karamihan dito ay mula sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-2), kung saan 251 empleyado ang tinamaan ng COVID-19 sa 1,870 sinailaim sa mass testing.

SM food to go Banner Ad

SA LRT-1 naman, 120 ang nagpositibo sa 794 na sinuri, tig-208 naman ang sapol ng COVID-19 sa mga tauhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).

Para maiwasan ang pagkalat ng virus, kaagad na nilagay sa quarantine ang mga nagpositibo, maging ang mga naghihintay pa ng kanilang COVID-19 test at mga nagpapakita ng sintomas. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.