Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/14/2018

1,449

ARIES (March 21-April 19) –Medyo pasaway ang peg sa araw na ito. Trip mo lang magpapansin sa mga kasamahan. Huwag lang tumodo para hindi kainisan. Kung may negative vibes sa paligid, lumayo na lang muna.Lucky color:Maroon, lucky number: 12.

TAURUS (April 20-May 20) –May puwersa na kumikilos sa iyong pabor, samantalahin ito. Makikita ang resulta ng mga pinaghirapan. Mag-isip muna bago gumawa ng anumang hakbang.Lucky color:Green,lucky number: 35.

GEMINI (May 21-June 20) –May makakalimutan sa pagmamadali. Alalahanin na kaya mong magtrabahong mag-isa kaya’t huwag nang magpatulong sa iba. Huwag iasa sa kasamahan ang paggawa ng desisyon.Lucky color:Orange,lucky number 43.

CANCER (June 21-July 22) – Magliliwanag ang isipan. Gaganda na uli ang takbo ng trabaho. Alamin at kilalanin ang mga kakampi. Walang kasing halaga ang pamilya at mga kaibigan. Iparamdam sa kanila ang iyong unconditional love.Lucky color: Cream, lucky color: 16.

LEO (July 23-August 22) –Magigising sa isang malaking katotohanan. Huwag agad manghusga ng ibang tao. Bigyan ng pasubali ang anumang iniisip. Maging honest at itama ang maling sitwasyon.Lucky color:White, lucky number 40.

VIRGO (August 23-September 22) –May magandang resulta ang maingat na pagpaplano. Huwag lumayo sa taong tunay na nagpapasaya. May masasaktan sa mga binitiwang salita. Maging sensitive sa mararamdaman ng iba.Lucky color: Pink, lucky number:30.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) –Kailangan mo ng kakaibang push para magkaroon ng sigla ang araw na ito. May malakas na koneksyon sa isang pamilyar na tao. Mag-explore sa labas ng comfort zone.Lucky color:Gray, lucky number: 54.

SCORPIO (October 23-November 21) –Hindi ka mapipilit sa bagay na hindi mo gusto. Huwag mag-senti. May good news na pwedeng pagkakitaang ideya sa araw na ito.Lucky color:Red,lucky number: 7.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) –Disiplinahin ang sarili sa pagsunod sa tamang oras. Mag-ingat sa pagsagot sa mga tanong na kumplikado. Kung alanganin sa sasabihin, mas okay na manahimik na lang.Lucky color:Yellow,lucky number: 20.

CAPRICORN (December 22-January 19) –Maging bukas sa anumang posibilidad. Iyan ang kailangan mo para sa iyong ikatatagumpay. Kahanga-hanga ang iyong sense of duty . Ihanda ang sarili sa isang labanan.Lucky color:Blue, lucky number:38.

AQUARIUS (January 20-February 18) –Tapatan ng kabutihan ang ipinamamalas ng isang tao. Pareho kayo ng interest kaya swak agad kapag magkasama. Gamitin ang araw na ito para kumuha ng detalye sa mga gagawing project.Lucky color:Black, lucky number:46.

PISCES (February 19-March 20) –Talasan ang isip. Mahihirapang unawaan ang isang rason pero subukang paglaanan ito ng oras para mahimay ang mga bagay-bagay. Gamitin ang kapangyarihan para umangat ang buhay nang walang tinatapakang ibang tao.Lucky color:Peach, lucky number:9.